Your sacred space is where you can find yourself again and again.

Home » Archives » November 2006

Almost Fired

November 30, 2006

I had 3 absences this week alone on our training. I have been busy doing something that i can't reveal yet. On wednesday, when i arrived during the lunch break, our facilitator talked to me and told me she'd drop me from the training if the Associate Director of the Department of Clinical Advancement says so. i wrote a letter to her which included my explanation. The reason for my absence is not valid. i told them i had to skip class because i prepared my CGFNS application. I'm still waiting for what will happen next.

Posted by frankoys at 5:26 pm | permalink | Add comment

IV Therapy

November 25, 2006

Kahapon nagkaroon kami ng Intravenous (IV) Therapy practical exams. May limang station kami na kelangan mapuntahan, walo lahat ang skills na kelangan namin maperform. Xempre nagaral naman ako kasi kelangan imemorize yung step by step procedure. Nakakalito kasi napagpapalit ko ung mga steps. Anyway, ang pinakamahirap sa lahat e ang pagtusok ng swero sa partner. Kinakabahan kaming lahat. Si Julie ang partner ko dahil magkagroup kami. Habang naghihintay ng susunod na procedure eh tinawag kami nung bading na preceptor para mag-insert na sa isa't isa, it's not our turn yet. Hindi na kami tumanggi. Ayun, unang tutusok si Julie. Right arm ang nondominant ko kaya dun sya tutusok. Aray! Xempre masakit, virgin pa kasi ung kamay ko. Hindi pa ako nakabitan swero kahit kelan. Hindi nakuha ni Julie ng tama ang pag-insert. Pumayag akong tusukan pa sa kabilang kamay naman. Ayun mas masakit kasi habang nasa loob ung needle e minanipulate pa niya para mahanap ung vein ko. Aray talga! Tapos nung hindi nya pa rin nakuha ung preceptor naman ang nag-manipulate. Hmp hmp hmp! Masakit. Tapos hinid pa din nila makuha so yung isang preceptor na dumating ung nag-attempt to no avail. Haay. They gave up sa wakas. Tapos ako naman magtutusok kay Julie. "Sige nga magpakitang gilas ka, tagaUST ka diba?" sabi nung bading. Naperform ko naman ng maayos. Naipasok ko sa vein nya. Success! Ayun. Tas ang dami nila technical questions saken. Hmp porke ba tagaUST ako. Sa lahat ng procedures, including the IV Insertion, ay perfect ang score ko. Wow. Ang saya saya. Xempre survey ulet ako. So far alam ko ako pa lang nakakuha ng ganung score. Hehehe yun lang…

Posted by frankoys at 5:47 pm | permalink | Add comment

Isang Pagkilala - St. Vincent

Sa mahigit apat na taon ko sa Maynila e hindi ko makakalimutan ang pagkupkop sa akin ng St. Vincent Dormitory. Ang “dorm” ay matatagpuan sa may V. Concepcion St. sa likod ng USTe. Ito ay may around 400 bed capacity ngunit sa kabutihang palad e minsan sa isang taon lang ito napupuno ng mga boarders, transients, etc. Mayroon itong halos dalawumpu’t limang (25) permanent boarders. Isa na ako dun – senior nga kung matatawag.

Ika-siyam ng Hunyo taong 2002 nang una ko’ng nasulyapan ang istrakturang ito. Sa una’y tingin ko’y hindi ako makakatagal sa dorm na to dahil luma na at mukhang mainit sa loob.

Ang unang kwarto kung saan ako na-assign ay ang Room 317 sa third floor. Pang-apatan ang kwarto.  Maliit ang room (est. 3 X 6 meters lamang ang laki) ngunit ang kagandahan ay may sarili itong banyo na may sukat na 2 X 5 meters. Halos magkasinlaki lang ang kuwarto at ang banyo. At ang masaya pa ay may terrace ito.

Dahil sa baguhan pa lang ako at hindi pa sanay sa Maynila, nagpasya ang aking mga magulang na mag-board and lodging na lang ako. Php 3800 ang bayad kada buwan kasama na lahat pati pagkain (courtesy of Manang Paring).

Hindi ako na-home sick nuong una sapagkat ang high school barkada ko na si Jeff ang roommate ko. Nagkasundo kami na babayaran na lang namin ang bedspace ng ikatlong tao na maaring isama sa amin. Samakatuwid ay Php 4650 na ang bayad naming dalawa. Ayos lang. naman.

Sa unang sem e nakilala ko sina Ate Evelyn, Ate Bal at Ate Rose na nakatira sa kabilang kwarto (Room 320?). Naging close kami ni Jeff sa kanila. Marami din kaming mga kalokohan sa dorm. Sina Ate Bal ang nagimpluwensya sa amin. Parati naming nira-raid ang mga unoccupied rooms sa ibang floors upang magnakaw ng electric fan, hangers, mga sabitan ng damit at kung anu-ano pa. Hindi naman kami nahuhuli ni Ate Lea (ang masungit na tagapamahala ng dorm). Mahilig ring magluto sina ate sa room nila. Syempre bawal magluto sa llob ng room ayun na rin sa “unwritten” rules ng dorm. Minsan ay pancit canton (Lucky Me), minsan naman e mga gulay tulad ng Pakbet, at syempre mawawala ba naman ang kanin? Isa lang ang gamit na aming pinaglulutuan – rice cooker. Lahat na dun pwede. Haaay, kakamiss na nga ang rice cooker na yun. Minsan ay nahuli kami ni manang. Naamoy nya pala ang culinary practices namin dun sa third floor. Ayun, todo deny ang aking mga idol.

First sem rin namin nakilala ni Jeff si Ate Lorien. Nurse sya ng may-ari ng dorm. Halos magkasing edad lang kami. Soooooobrang close din kami sa kanya. Naalala ko nga nuong may sakit ako e sya rin nag-alaga sa akin. Nang mamatay ang may-ari e umuwi na rin si Ate Lorien pabalik sa probinsya. Actually, kababayan namin sya sa Daet. Pero ever since e hindi ko na sya nakita pa.

Nang matapos ang First Sem e nagbakasyon ako sa aming bayan sa Bicol. Last week na ng October ako bumalik sa Manila para sa enrollment. Sa dorm na ako nag-Halloween kasama ang mga ghosts. Mistulang ghost town ang dorm dahil nagsiuwian ang mga boarders sa kani-nilang bundok. Kami lang ni Ate Bal ang naiwan sa third floor. Nagsindi kami ng mga kandila sa rooftop. Iba’t ibang kulay ang kandila. May kanya-kanyang meaning raw yun sabi ni ate. Sa room niya ako natulog kasi naman takot ako sa mumu.

Pagpasok ng second sem e inilipat kami ni Jeff sa Room 204 (presently Room 202). Second floor na rin kami sa wakas! Hindi na kami mapapagod umakyat-baba sa third floor. Sya nga pala, may PC ako galling sa ate ko. Ayun na nga. Ok din naman ang bago naming room, yun nga lang maingay sa labas. May bintana kasi yung room na katapat ng Alfredo St. kung saan araw araw e nagpapakitang gilas ang mga Sex-Bomb-Dancers-to-be. Ewan ko ba at hindi sila nagsasawa sa paggiling at pag-indak sabay sa tugtog na Spaghetti, araw araw yun tuwing hapon. Tuwang tuwa naman ang kanilang mga magulang habang pinapanood nila ang kanilang mga anak na mag-training as future entertainers sa Japan o kung saan mang pipitsuging beerhouse dyan sa Cubao.

Nang ipinalabas ang “Ring” at “The Ring” sa mga sinehan e pinanood namin ito ng aking barkada. Sa isang hapon lang ay pareho naming nasaksihan ang buhay ni Sadako at Samara. Siguro 70% lang ng movie ang napanood ko, busy kasi ako nun sa pagtago sa likod ng aking panyo. Hehe i was damn scared. Pagdating sa dorm e ikinuwento ko yun kay Jeff. Pinagtawanan lang niya ako. Tingin nya siguro saken e chicken ako. FC, the cowardly chicken. Sa linggong ito ko rin naranasan ang una kong “bangungot experience.” Hindi rin agad ako makatulog. Syempre parati ko nakikita sa aking imagination sina Sadako at nanay niyang nagsusuklay sa salamin.

After a week, ang matapang na si Jeff naman ang nanood ng The Ring. Harhar. Nang umuwi ito sa dorm ng gabi ding yon e sabi nya scary nga raw. Harhar ulet. Bago kami natulog e nagulat ako ng sabihin ni Jeff na dun na lang daw ako matulog sa tabi nya. Bwahahaha. Takot ang lolo mo. Syempre out of “respect for the scared” e sinamahan ko sya. Tatlong araw kaming nagsisiksikan sa bed naming ang laki ay para sa isang payat na tao lamang.

Summer Vacation

Dumating na ang second year ko sa college. Nagpasya na akong mangibang-dorm. Lumipat ako sa isang boarding house sa Dos Castillas St. Hindi naman talaga ako sana lilipat. Napilitan lang ako dahil niyaya ako ni Mark Kilby (batchmate ko from other section). One word that best describes my new dorm – birdhouse. Parang birdhouse kasi ang room namin. Grabe hot and humid. May kasama kaming doctor sa room. Later on nakasama rin namin si Mayor (classmate ni Mark). Pucha parang parrot si Mark! Hindi tumitigil sa pagsasalita. One night naubusan na ata sya ng sensible na topic na pwede nya maopen sa amin. Ayun kung anu-ano na lang ang ikinukwento! At eto pa, kahit tulog e nagsasalita ang loko! Haha! Problema din ang napakalaking common CR (2 X 1 meter ang sukat) ng boarding house na to. May dalawang CR lang para sa round 20 na boarders.

Dalawang buwan lang ang itinagal ko sa boarding house na to. Kelangan ko na lumipat. Hindi ko na matagalan ang kagandahan ng mansyon na to. Lumipat ako sa apartment nina Roch sa Sobriedad St malapit sa Vicente Cruz St.

Barkada ko sina Roch. Tuwing weekends eh dumadating ang buddy ko na si Paulo at si Ann para magsunog ng liver. Tuwing weekends lang kami nakakakain ng tunay na ulam kasi sila Paulo ang nagluluto. Kapag may pasok, sa gabi nagluluto kami ng kanin at nagpiprito naman ako ng ng maling with egg or corned beef. Parating ganun. Mukha na nga raw akong maling sabi nila eh. Wala kasing time at kulang din sa resources. Paborito namin ni Roch ang choki-choki sa tindahan malapit sa apartment. Weekends din ako naglalaba ng mga damit ko. Gumagamit kami ng pump para makatipid sa bayad sa tubig.

Mortal na kaaway namin ang tenant sa katabing unit – si Attorney at ang kanyang kalive-in. Mainit ang ulo ni attorney sa amen. One time inalarm ko ang cellphone ko na 3310 ng alas-tres ng umaga, naka level 5 ang volume para magising ako. Sa kasamaang palad e nabulabog ang buong apartment, including attorney and his kalive-in, kaya naman pinagsisipa ako ni Revo para magising lang ako. Wow! Galit na galit sina attorney!

Ang kaibigan kong si Bernard ang malaking impluwensya sa akin ng time na ito. Alas tres na kami umuuwi after naming mag-journey sa Makati . Makulit kasi tong kaibigan kong to. Kapag nasa tapat na kami ng bahay nila ng 1AM e hindi pa din ito tumutuloy sa kanila kasi malulungkot daw sya. Kaya ayun lakad-lakad na naman kami hanggang kung saan kami dalhin ng aming mga paa. Masaya namang pakinggan ang mga philosophy nito ni Bernard. Mahirap nga lang sagutin ang mga philosophical questions nya. Pero astig naman. Narating nga namin ang Olongapo at Tarlac ng wala ni isa sa amin ang may alam ng mga lugar na ito. Pero happy pa din.

Maraming mga pangyayari sa apartment na nagtulak sa akin na bumalik na lang sa StVincent Dorm. After ng first sem ng second year sa college e nag-alsa balutan na ako. Tinulungan ako ng buddy ko sa paglipat ng mga gamit. Habang nasa taxi kami pabalik sa dorm ay una kong narinig ang kantang Otso Otso. Natawa ako sa kanta. Hahaha.

Sa pagbalik ko ng second sem ay malugod akong tinanggap ng aking roommate na si Jeff. Magkasama na ulet kami. Sa Room 207 (presently Room 208) na kami. Balik sa dati ang lahat. Ngunit before pa matapos ang second sem ay nagdesisyon ang mga tagapamahala ng dorm na ilipat kami sa newly renovated na Fourth Floor sa dahilang isusunod na irenovate ang second floor. Kaya ayun lumipat na kami against our will.

Wow nasa heaven na ata kami. Napakalayo ng fourth floor. Sa bago naming room (Room 403) e tanaw na sa bintana ang UST Main Building . Walo (8) kami sa kwarto. Malaki naman kaya ayos lang. Kasama ko sina Doc Allan (UST-Med), Carlo (FEU-Nursing), Jeff (UST-Arki), Kenneth (Perps-Nursing), Rupert (UST-MedTech), friend ni Rupert na hindi nagsasalita, thus hindi ko kilala (FEU-CommArts), at Erickson (UST-Engg.).

Wala ako masyado matandaan sa mga pangyayari habang nasa Room 403 ako. Maliban sa mga pira-pirasong moments. Tuwing darating ako galing sa school e binubuksan ko ang radyo ni Kuya Allan at nakikinig ako ng balita sa dZBB habang wala pa sya. Ngunit sa pagdating nya, walang pakundangan niyang inililipat ang station sa FM, paborito pa nga nya ang Magic 89.9. Isa pa sa mga natandaan ko eh ang isang oras na paggamit ni Erickson ng banyo. One time nung hindi pa kami friends eh may pagkakataong may distended bladdder ako and I needed to pee. Eh sa sobrang tagal nya sa CR eh hindi na ako makapaghintay at galit kong kinalabog ang pinto habang naliligo sya. Natakot ang loko. Dali-dali nyang tinapos ang paliligo nya at sabay bukas ng pinto dala ang kanyang malaking travelling bag na ginagamit nya sa loob. Magtataka kayo kung bakit may malaking bag sya na dala sa loob ng Cr habang naliligo sya. Ang logical explanation nya dun e dahil daw nandun lahat ng mga toiletries nya at iba pang abubot at kaya naman daw matagal sya sa CR ay dahil dun lang daw sya nakakapagrelax at nae-energize. Hayaan na naten, dun sya masaya eh.

Sa kabilang room naman, nagtipun-tipon ang mga kalalakihan upang makipanood sa bagong TV at components ni Kuya Dan. Parati sila nagsisiksikan sa room na yun. Syempre hindi ako sumasama kasi busy ako sa pag-aaral. Kaming mga Tomasino sa dorm eh bihirang nakikipag-socialize. Ayun nga, sina Carlo (FEU), Patrick, Ace, Jeff (lahat ay taga-Mapua) lang ang parati nakabuntot kay Kuya Dan. Before kami ibalik sa second floor ay nakipag-socialize sa akin si Kuya Dan.

Natapos na ang renovation sa second floor. Ipinatapon na ulet kami pabalik dun. Bago na ang numbering sa mga kwarto. Hanggang ngayon eh eto na ang gamit. Sa Room 204 kami napunta ni Erickson at Kenneth. Niyaya ako ni Kuya Dan na sumama sa airconditioned Room 203 pero ayaw ko. Sampu (10) sila sa room. Mabuti na lamang at hindi ako nasama sa kanila.  Nakapag-aral ako ng mabuti lalo na sa Pharmacology. Masaya kami ni Erickson sa room namin. Tuwing dumadating sya ng 9PM galing sa school eh pumupunta kami ng Dapitan sa may Dos Castillas St.para bumili ng burger at fries. Tapos konting story-telling lang at aral-aral na ulet.

One day, nasira ni Ercikson ang shower ng banyo namin. Medyo nainis ako. Sakto namang may magandang offer si Kuya Dan sa akin kung sasama daw ako sa room nila. Pumayag naman ako. Ayun nga, nasa Room 203 na ako, may TV at components at madaming homo sapiens kaya maingay. Sabay-sabay kami nagdi-dinner sa mahabang table sa corridor. Parating masarap ang ulam. Kumpleto sa grow, glow at go. After dinner eh naglilinis na sila ng pinagkainan at derecho sa panonood ng TV. Ako naman ay nag-aaral sa corridor habang nakikinig ng music sa discman ko.

Sa kabilang kwarto (Room 201) nandun sina Nelson (Perps-Nursing), King at Jason (CPA). Ayaw nila kay Kuya Dan kaya naman silent treatment lang ang meron. Hindi nagtagal ay dumating si Paul (Perps-Nursing) sa room nila. Sina Erickson naman at Kenneth ay naiwan sa room 204. Naging malala ang sitwasyon dun. Parang isang landfill ang kwarto sa dami ng basura. Ipinatapon naman ni Kuya Dan sina Jeff at ang kapatid nya sa Room 201.

 

Before Christmas ay nabunyag ang malaking anomalya na kinasasangkutan ni Kuya Dan. Hindi pala nya ibinayad sa dorm ang perang ibinigay namin sa kanya for that purpose. Nabaon kami sa utang sa dorm. May ilang araw din kaming nag-uusap nina Ace at Lebron sa corridor na umaabot ng 3AM upang talakayin ang financial situation sa room. Nagplano akong lumipat ng room. Hinikayat ako ni Jeff na sumama na lang sa room nila. Nagdadalawang isip pa ako kaya hindi agad ako nagdesisyon.

Nag-organize ng Christmas Party si Kuya Dan sa rooftop. Sa gabing iyon ay nagpasya ako na kausapin sya upang ipaalam ang plano kong paglipat sa Room 201. Pero bago yun ay kinausap ko si Paul at sinabing lilipat na ako after Christmas break. Nakita ako ni Kuya Dan na kausap si Paul habang iniinvite nya ito sa rooftop. Nang ipinaalam ko kay Kuya na lilipat na ako ay may offer na naman sya sa akin. Major reforms daw ang gagawin nya sa room namin para makapag-aral ako ng mabuti at para hindi na ako lumipat. Pumayag naman ang tangang si ako.

After Christmas break ay hindi ko nakita ang reforms na ipinangako ni Kuya Dan. Isang gabi ng ako’y matutulog na, naramdaman kong parang walang tao sa room, inakala ko na nasa corridor lang silang lahat. At around 12 midnight, ginising ako ni Ace at sabi nya’y nag-aaway na raw sina Kuya Dan at ang mga kasama ko sa rooftop. May kailangan daw akong linawin kaya dapat daw akong umakyat. Pagdating ko sa rooftop ay nagkakaroon ng mainit na debate. Si Kuya laban kina Jeff, Ace at Lebron. Tahimik lang sina Carlo at Patrick dahil sila ang mga kanang kamay ni Kuya Dan.  Nang dumating ako nag-walkout si Kuya Dan. Dun na sinabi sa akin nina Jeff ang lihim na plano ni Kuya na ipatapon ako sa room 201. Syempre nagalit ako kaya nang bumaba kami mula sa rooftop e kinuha ko lahat ng gamit ko at lumipat ako ng Room 201, ala-una na ng umaga.

Ok naman ang pagtanggap sa akin nina Paul at Nelson kahit pa sisksikan na kami sa room. Sa room 202 naman nandun na sina Erickson, Alvin (UP-Masters), Rupert at Jason.

Naging close kami ni Paul. Si Jason at Nelson naman e may silent treatment sa amin. Wala kaming clue kung bakit. Pero kahit obvious na may galit sa amin sina Nelson ay hindi na lang nami sila pinansin. Paul and Francis against the world sa Room 201. Inaabot kami ng 3AM ni Paul sa kwentuhan. Minsan gumigising pa sya ng 4am para turuan lang akong mag-Italian. Ilang beses din akong nag-overnight sa bahay nila sa Fairview . Si Nelson naman ay naglayas at lumipat na ng ibang room. At bago nga mag-end ang schoolyear ay sinabi sa akin ni Paul (venue:rooftop) na lilipat na daw sila ng bahay at malamang hindi na sya mag-dorm. Kawawa naman daw ako kasi may ongoing war pa daw akong kelangan labanan kahit wala na siya.

Summer Vacation

Sa wakas fourth year na ako. Graduate na sina Jeff, Alvin, Patrick at Erickson kaya lumisan na sila. Si Jason naman ay sumama na kay Nelson sa Room 204. Si Carlo at Ace naman ay sa Room 201 na. Inilipat ako sa Room 202 kasama si Rupert.

Hindi kami naguusap ni Rupert. Masyado akong busy sa pag-aaral dahil natanggal ako sa Dean’s List last sem. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako makikipag-socialize sa dorm para makapag-aral ako.Hindi rin naman mahilig magsalita si Rupert kaya ayos lang. For one week eh naging roommate ko si Kevin (St. Jude-Nursing). Umalis din sya kasi bumalik na syang Baguio .

September 2005 nang dumating si Macky, kaibigan siya ni Carlo. Napunta siya sa room namin kasi ayaw daw nila magsama ni Carlo sa isang room. Bago lumipat si Macky eh napagisip-isip ko na makipagsocialize ulet kaya naman ng dumating si Macky eh naging maingay na sa Room 202. Grumadweyt naman akong matagumpay. Dito na din ako nagreview para sa board exam. Hanggang ngayon eh roommate ko pa din si Mack. May nadagdag pang isa nung umalis si Rupert, si Kenneth. Hindi pa din ako pinapansin ni Jason, pero ok na kami ni Nelson. Pumasa na ako ng board exam. Nasa St. Luke’s na ako ngayon nagtratraining at sa Room 202 pa din ang lungga ko.

Ayan, medyo mahaba din ang maikling kasaysayan ko sa dorm and I’m not getting bored in staying here. Surely, there will come a day when I’ll decide to leave. But one thing’s for sure, I would carry with me dorm memories that will last a lifetime.

Posted by frankoys at 5:32 pm | permalink | Add comment

Basic Life Support

November 21, 2006

This morning we had our Basic Life Support (BLS) practical exams. It consist of CPR/Rescue Breathing for both infants and adults. I was the first trainee who took the infant BLS. i was a bit nervous despite my extensive training on this skill since Third Year High School. Anyway, i think i performed well. The CPR was a bit disappointing because i was not able to hit the 2-minute time requirement, i did it for 2 minutes and 5 seconds and points were deducted. The preceptor gave me a final score of 93. I did a survey of the scores of my other colleagues who took the test. Most of them scored 95. I was really disappointed knowing that i had no other mistake aside from the time limit that i was not able to meet. I asked my preceptor about my score. She recomputed it and found out that she made a mistake. My final score therefore is 98/100. Hehehe i believe it's the highest score given for that particular test.

My CPR for adults was not outstanding. Again, i was not able to perform it on time. I was a bit fast. I finished the chest compressions for 1 minute and 51 seconds (2 minutes is the required time). It's okay though. At least i passed.

After my training, me and Horsy went to PRC to get my final score on the board exams. It was 0.80% higher than the published scores released before.

Posted by frankoys at 4:59 pm | permalink | Add comment